Lunes, Hulyo 15, 2019


TALUMPATI TUNGKOL SA KAHIRAPAN


Sa aking mga guro na nanadidito, magandang araw po sa inyo, sa mga magulang na handang pakinggan
Ang aking talumpati, at sa mga kaklase ko na nandito, nawa’y sa maikling sandali ay hayaan niyong
Hiramin ko ang mga oras ninyo, para ipahayag ang aking idea tungkol sa kahirapan.

Ako ay isang studyante ng grade 12 at labing walong taong na dito sa lipunang puno ng sakit at problema.ano ba ang mga ito? Korapsyon?kalamidad o kahirapan? Sa aking palagay,ito ay kahirapn.sa panahong ngayon madaming nagsasabi ngayon ay panahon ng teknolohiyang nag-papabilis ng Gawain.pero bakit marami pang tao ang uhaw sa pag-unlad?maraming kababayan ang naghihirap sa pagsabay sa agos ng buhay? Bakit marami paring naghahanap ng pagkain sa tambak ng basurahan upang sila ay makakain?

Maraming katanungan iilan ang mga nalulutas.sa pangyayari ito. Ating sinisisi ang gubyerno. Sinasabing sila ang dahilang kung bakit tayo nakakaranas ng ganitong krisis. Hindi ba dapat magpasalamat nalang tayo, na kahit papaano, nagbibigay sila ng tulong. Ang pinakamalala,sinisisi natin ang diyos bakit? Ano ba ang kanyang kasalanan? Bakit tayo pa ang may karapatang magsisi? Ang may kasalanan ay tayo dahil sa kahirapan, nagagawa nating mangdamay ng ibang tao.minsan nagnanakaw sila dahil sa tinapay na makakain lamang, at pumapataydulot ng bawal na gamut gaya ng druga at marijuana.ang kahirapan ay tila isang kadenang nakagapos sa ating paa, kadenang pumipigil sa ating pag-unlad.

Ang isang dahilan ng kahirapan ay ang ating katamaran. Tinatamad tayong tumayo sa sarili nating paa.upang maghanap ng oportunidad na pwedeng makalutas sa problemang hinaharap ngayon. Nawawala na ang ating presensya ng pagiging matiyaga. Pano natin maiaangat ang ating buhay kung ating ipapairal ang ating katamaran. Hindi lahat ng opisyalng gubyerno ay may magandang mithiin. Ang mga iba imbes na linulutas ang kahirapan pinapalala pa nito.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na simula pa noong iminulat ang ating mga mata, nagkakaroon na tayo ng kamalayan tungkol sa sakit sa ating lipunang hindi pa nahihilom. Sana sa paglagas ng pahina ng kalendaryo, unti unti nating malulutas ang problema lalong na sa kahirapan. Huwag nating naisin ang mabuhay na salata, dahil alam kung hindi tayo manantili ditto.